Monday, December 28, 2009

Lab Istori

Sa dami nang dumating at nakilala ko hanggang ngayon medyo mahirap pa din matukoy kung sinu ang totoo at sino ang panggap lang. Pero sa mga nangyari sakin, halos isa lang naman ang takbo at ending ng kuwento eh.

Una, makikilala mo, dahil kakilala siya ng kakilala mo o di kaya bitbit ng tropa mo sa inuman niyu o di kaya kaklase mo o ka-barangay mo. Syempre kung tayp ka, kukunin numero ng selepono mo o di kaya laging sasama sa tropa mo para makasama ka din. Andyan pa yung i-aadd ka sa peysbuk at frenster at pati ym mo kukunin na din, tapos itetext o chat ka ebridey, o pwede ring col kung feeling bigtym siya o sadyang unli col lang talaga sya.

Tapos pagkatapos nun, pag feeling niya sanay ka ng kausap sya at enjoy na enjoy ka na at talagang pasok na pasok na sya sa buhay mo at malabo nang ma-nominate sya para ma-evict sa buhay mo saka nya bibitiwan ang isang linyang..."alam mo masaya ako na lagi kitang kausap, I think I'm falling for u" o di kaya "mahal na ata kita" (pang derechahan). At ikaw naman 'tung si gaga, kilig na kilig, halos mangisay ka na, di mo alam na ikaw na ang pang 100,001 na babaeng sinabihan nya ng linyang yun.

Tapos syempre, kayo na nyan. Feeling mo nasa heben ka na ebritaym na andyan sya sa tabi mo.
Halos i-plano mo na lahat, ang monthsary nyu, ang anniversary, ang wedding ultimo ang funeral nyung mag jowa gustu mo na din planuhin dahil feeling mo "SIYA" na.

At kung kelan hulug na hulog ka na, saka mo malalaman na ang magaling mong jowa ay may iba pala o di kaya di na masaya sa'yu. In other words, masasawi ka lang. Iiwan kang luhaan.


Sabi ko dati, nung mas bata-bata pa ko..di ako maloloko at maiisahan ng kahit na sinu. Pero heto, suki na ko ng mga balikat ng mga tropa ko. Mag-yayaya ng inuman tuwing nabobroken-harted. At saka iiyak kapag lasing na.

Minsan nakakadala na din...Pero wala naman sigurung mali sa'kin, maling tao lang napipili ko.


Senxa naman kung masyado nang madrama..