Monday, January 4, 2010

Petra..

Ang hirap talagang magkaroon ng kapatid na ubod ng pakialamera. Nakakahayblad naman talaga oo...
Nasa bag ko lang ang flash drive na yun..chineck ko pa un kagabi kasi nga baka makalimutan ko dahil dun naka-save ang wedding invitation na pinagawa sa 'kin ng tropa kong gwardya sa supermart na pinapasukan ko. Kelangan na yun ngayon. Anak ng teteng naman talaga, gagawa na naman ako ulet ng panibago. Nakakapang-gigil naman talaga ang pesteng kapatid kong itago na lamang natin sa pangalang Petra.

Actually, hindi naman ito ang unang beses na ginawa nya to. Ito ang pang isang libo't isang beses na pinakialaman nya ang gamit ko. Oh diba napaka-pakialamera talaga ng bruha. Lahat nalang talaga. Mapa damit o sapatos o tsinelas kulang nalang pati toothbrush ko gamitin nya. Hay naku, lagi kami nag-aaway dahil sa ganung gawain nya. Okay lang naman sana kung nagpapaalam sya. Kaso hindi eh, makikita mo nalang suot nya na tapos sya pa ang galit kapag ipapalaba mo sa kanya ang mga damit kong ginamit nya o diba,san ka pa.

Hay naku naman talaga. Nakakahayblad lang talaga..