Friday, January 29, 2010

People Change


 “The only thing that is constant in this world is change.”

I agree on that. Alam naman natin lahat yan. Lahat nagbabago at lahat pwedeng magbago. Pati na din ang tao.

Kung dati, ubod ka ng cute, ngayon nakakata-cute ka na.
Kung dati seksing seksi ka, ngayon mukha ka ng aparador.
Kung dati di ka mabasag pinggan, ngayon lagi ka ng basag sa inuman.
At kung dati ubod ka ng tanga sa pag-ibig, siguro naman ngayon natututo ka na, medyo tanga ka nalang. Lol

Madaming nagsasabi sa kin, mga kaibigan, pati na din mga ka relasyon dati, nagbago na daw ako, lalo na pagdating sa relasyon. Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko at mga nakilala kong lalaki , di pa ba ako matututo at magbabago pagdating sa pakikipag-relasyon. Ang laki nga talaga ng pinagbago ko lalo na sa aspeto ng pakikipagrelasyon.

Kung dati, super inlab ako sa jowa ko kahit pa-umpisa  palang ang relasyon, ngayon medyo-medyo lang lalo na pag pasimula palang. Dati kasi super talaga ako kung magka-jowa. Lahat ng sabihin sa kin sunod ako agad. Para akong gaga, lalo na  kung nagagalit sakin. Pero ngayon hindi na. Naisip ko lang kasi, mahirap yung binubuhos mo lahat ng atensyon mo lalo’t pa’t under observation pa siya sayo. Kumbaga di ka pa sigurado o kaya wala pa siyang napapatunayan sa’yu. Marami kasi akong kakilalang puro salita lang pero wala naman sa kilos.

Kung dati, super clingy at super needy ko na gusto lagi ko katext at nakakasama, ngayon hindi na masyado. Sobrang hindi na ngayon. Panget din kasi yung laging mong katext at kausap. Minsan nakakairita na lalo pa kung paulit-ulit din naman yung pinag-uusapan diba. Okay naman ang patawag-tawag at patext-text pero kung 24/7 kayo nalang  ang nag-uusap o siya nalang ang kasama mo, di na healthy yung ganon. Mahirap yung pinapaikot mo yung mundo mo sa iisang tao lang. Pano nalang kapag wala na yung taong yun ehdi wala na, di mo na alam kung pano pa iikot mundo mo.

Kung dati, mega effort to da max ako, ngayon medyo nalang din. Though andun pa din yung pagpapakita ko na mahal ko talaga yung tao pero di na katulad nung sa mga nakaraan kong nging boylet. Dati kasi super dedicated ako at lahat  na ata ng pakulo at sorpresa sa mundo eh naiisip ko. Haha. Naalala ko tuloy. Pero wala naman ako pinagsisisihan sa mga ginawa ko nun kasi mahal ko naman yung mga yun.

Maraming mga nangyari sa kin sa nakaraan na siyang naging dahilan ng mga pagbabago kong ito. Mga maling taong pinagtiwalaan, mga masasakit na salitang nabitawan at mga pangakong di natupad, yan siguro mga dahilan ng pagbabago ko. Sabihin natuto lang ako. At na-realize ko lang na ang buhay ay hindi isang fairy tale na laging may happy-ending at lahat ng lalaking dumarating ay si Prince Charming. Na-realize ko lang na sa mundong ginagalawan natin, madaming taong mapagsamantala at mapagpanggap at iilan-ilan nalang ang totoo at talagang may pagpapahalaga pa sa isang bagay na tinatawag na, TIWALA.

Sa ngayon, masasabi kong okay na ko at handa na. Naisip ko kasi, kung lagi akong matatakot walang mangyayari sa kin. Paano kung yung taong nasa harap ko eh yun na 
pala yun tapos dinedma ko lang kasi nagpatalo ako sa takot ko, edi wala na. Saka tama naman ang tatay ko, paano tayu matututo kung di tayo nagkamali. Paano mo malalamang mababaw pala ang tubig kung di ka naman lumusong.

Tama nga naman. Kaya heto ako ngayon sumusubok na naman. Sabi ng mga kaibigan ko maling tao daw ang napili ko. Sabi ko naman hindi rin, masaya ako kasi anjan si Kupal. Di ko na iniisip kung hanggang kelan kami basta ang alam ko mahal ko siya at napaparamdam ko yun sa kanya, nasa kanya nalang yun kung  babalewalain niya diba. Maghiwalay man kami sa huli, at least masasabi ko sa sarili ko na minahal ko talaga siya. Saka tulad nga ng sabi ko sa kanya, di naman ako ang mawawalan eh. Ako, kaya ko pang magmahal ng totoo at higit pa dun eh siya kaya makakahanap pa ba siya ng pagmamahal tulad ng pagmamahal. Haha. Echoz! Ang lalim.Haha.

Hanggang dito nalang ang kadramahang ito…

No comments:

Post a Comment