Monday, January 18, 2010
The Awful Truth
Wednesday, January 13, 2010
Unexpected Call
Ako: Yes, speaking. Who's this? (medyo kabado)
Caller: this is Trisha from call center chuva. We are inviting you in our office for an interview tomorrow.
Ako: oh I'm sorry I'm not available tomorrow coz I still have work. (kakaba-kaba na at natatawa na sa kasamang nakakunot na ang noo at akala eh sinasapian ako dahil inglesera na ako)
Caller: ok. we'll just re-schedule you. When are you available?
Ako: tuesday ma'am.(super kaba na)
Caller: ok then, see you on tuesday.
toot...toot...
Alaws na ko nasabi. haha. Di ko ineexpect na tatawag agad yun. Kakapasa ko lang andyan na agad ang tawag. hahaha. Ala lang. Share ko lang. Goodluck sakin sa tuesday baka mahimatay na ako dun..hahaha
Pers taym kong mag-aplay ng call center talaga. Sobrang nakakakaba kasi isa sa kahinaan ko ang pagsasalita ng ingles ng seryoso at may takot ako sa mga interview na ganyan.haha. Pakingsyet.Bahala na talaga. Pakapalan na to..
Tuesday, January 12, 2010
Bahala na...
"di ko pa tapos ang project ko...bahala na nga bukas"
"alis na 'ko, bahala ka na dito ha"
"ikaw na bahalang pumili kung ano dapat"
"ayaw mo makinig..bahala ka na sa buhay mo!"
"bahala na kung may nagbabasa ng blog ko, basta magsusulat ako"
Oh diba tama naman interpretasyon ko sa salitang "BAHALA NA". Ang totoo madalas ko tong masabi lately. Taraguiz naman kasi, malapit na ko talagang mawalan ng trabaho at aligaga na ko sa pag-aaplay kung san san. Nagpasa na nga ako ng resume sa lahat ng building sa Olongapo. At pati na din ang inaayawan kong mga call center eh inaplayan ko na din. Bahala na talaga kung matuyuan ako ng dugo dun o kung magkanda buhul-buhol na ang dila ko kaka-ingles basta ang alam ko lang eh kelangan ko ng bagong trabaho ASAP! Sana lang talaga kayanin ko yun. Hindi naman kasi ako talagang inglesera at diko din alam kung papasa ako dun pero sabi nga ng mga tao sa paligid ko. Kaya ko daw yun. Kaya ayun, mega pasa na talaga ako ng resume ko. Palakasan nalang ng loob at pakapalan ng mukha. Eh ano naman kung di ako makapasa. At least nag-try di ba.
Pati lab layp ko ata malapit nang gumuho.char! haha. Panu naman kasi eh. Selos ang ateng nyu. Kanino? Ang long time ex-gelpren ni Kupz na rich at siguro prettyness na si Ligaya. Wala lang, masama ba magselos ang legal gelpren?! haha. Kasi naman si Kupz, bigla nalang ngsasalita tungkol kay Ligaya eh. Bigla nalang naalala si Ligaya out of the blue. Kasama na nga ako naalala pa ang dati niyang ligaya. Pero hindi naman ako nagwala at nag-amok. Wala lang. Dedma lang kunyari. Irap konti at tipid magsalita. At si Kupz na walang kaalam-alam na nagseselos na ko. Siguro dahil wala na nga talaga sa kanya yun o masyado lang ako nag-iisip ng kung ano. Di naman nga masamang mag-open tungkol sa ex. Well, kahapon lang naman ako nagselos. Ngayon hindi na, ok na ko. Naisip ko kasi, normal lang yung naramdaman ko pero di normal na makaapekto yun sa relasyon namin. Saka bat ako magseselos eh ako na nga ang gelpren. Ako lang ang mai-stress kapag inisip ko pa yun. Saka tiwala nalang siguro ang katapat nito. Bahala sya kung lolokohin nya ko pati sarili nya. Basta ako totoo ako sa nararamdaman ko. Di naman ako ang mawawalan eh. Ako kaya kong magmahal ng tapat at totoo at kaya kung tanggapin kong anu siya talaga, eh siya ba, makakahanap pa ba siya ng magmamahal talaga sa kanya tulad ng sa 'kin at tatanggapin talaga sya tulad ng pagtanggap ko sa kanya. Ewan ko nalang. haha. Drama!
Sa aking career at lab layp,
goodluck nalang at bahala na talaga!
Friday, January 8, 2010
Goodbye 2009
Monday, January 4, 2010
Petra..
Nasa bag ko lang ang flash drive na yun..chineck ko pa un kagabi kasi nga baka makalimutan ko dahil dun naka-save ang wedding invitation na pinagawa sa 'kin ng tropa kong gwardya sa supermart na pinapasukan ko. Kelangan na yun ngayon. Anak ng teteng naman talaga, gagawa na naman ako ulet ng panibago. Nakakapang-gigil naman talaga ang pesteng kapatid kong itago na lamang natin sa pangalang Petra.
Actually, hindi naman ito ang unang beses na ginawa nya to. Ito ang pang isang libo't isang beses na pinakialaman nya ang gamit ko. Oh diba napaka-pakialamera talaga ng bruha. Lahat nalang talaga. Mapa damit o sapatos o tsinelas kulang nalang pati toothbrush ko gamitin nya. Hay naku, lagi kami nag-aaway dahil sa ganung gawain nya. Okay lang naman sana kung nagpapaalam sya. Kaso hindi eh, makikita mo nalang suot nya na tapos sya pa ang galit kapag ipapalaba mo sa kanya ang mga damit kong ginamit nya o diba,san ka pa.
Hay naku naman talaga. Nakakahayblad lang talaga..
Tuesday, December 29, 2009
Walang Nangyari
Tapos nag-tampo pa si "kupz"(ang tawag ko sa mahal ko kapag nag-aaway kami). Inarte na naman si kupz dahil busy daw ako. Eh isang text palang naman ang di ko na-replyan kasi nga medyo busy ako kanina. Hayy..
Oh sya..ako'y uuwi na. Bukas nalang ulet, kung may taym pa. Busy pa naman ang buong Olongapo dahil pyesta..
Monday, December 28, 2009
Lab Istori
Sa dami nang dumating at nakilala ko hanggang ngayon medyo mahirap pa din matukoy kung sinu ang totoo at sino ang panggap lang. Pero sa mga nangyari sakin, halos isa lang naman ang takbo at ending ng kuwento eh.
Una, makikilala mo, dahil kakilala siya ng kakilala mo o di kaya bitbit ng tropa mo sa inuman niyu o di kaya kaklase mo o ka-barangay mo. Syempre kung tayp ka, kukunin numero ng selepono mo o di kaya laging sasama sa tropa mo para makasama ka din. Andyan pa yung i-aadd ka sa peysbuk at frenster at pati ym mo kukunin na din, tapos itetext o chat ka ebridey, o pwede ring col kung feeling bigtym siya o sadyang unli col lang talaga sya.
Tapos pagkatapos nun, pag feeling niya sanay ka ng kausap sya at enjoy na enjoy ka na at talagang pasok na pasok na sya sa buhay mo at malabo nang ma-nominate sya para ma-evict sa buhay mo saka nya bibitiwan ang isang linyang..."alam mo masaya ako na lagi kitang kausap, I think I'm falling for u" o di kaya "mahal na ata kita" (pang derechahan). At ikaw naman 'tung si gaga, kilig na kilig, halos mangisay ka na, di mo alam na ikaw na ang pang 100,001 na babaeng sinabihan nya ng linyang yun.
Tapos syempre, kayo na nyan. Feeling mo nasa heben ka na ebritaym na andyan sya sa tabi mo.
Halos i-plano mo na lahat, ang monthsary nyu, ang anniversary, ang wedding ultimo ang funeral nyung mag jowa gustu mo na din planuhin dahil feeling mo "SIYA" na.
At kung kelan hulug na hulog ka na, saka mo malalaman na ang magaling mong jowa ay may iba pala o di kaya di na masaya sa'yu. In other words, masasawi ka lang. Iiwan kang luhaan.
Sabi ko dati, nung mas bata-bata pa ko..di ako maloloko at maiisahan ng kahit na sinu. Pero heto, suki na ko ng mga balikat ng mga tropa ko. Mag-yayaya ng inuman tuwing nabobroken-harted. At saka iiyak kapag lasing na.
Minsan nakakadala na din...Pero wala naman sigurung mali sa'kin, maling tao lang napipili ko.
Senxa naman kung masyado nang madrama..


