Sunday, January 31, 2010

Is this GOODBYE?

 

 "sa isang paalam nalang ba lahat magtatapos? sa isang saglit lahat malilipol...

Putang inang pag-ibig.
Nakakaiyak.
Lage nalang bang ganto?

Potek!
Ang EMO!!!

Friday, January 29, 2010

People Change


 “The only thing that is constant in this world is change.”

I agree on that. Alam naman natin lahat yan. Lahat nagbabago at lahat pwedeng magbago. Pati na din ang tao.

Kung dati, ubod ka ng cute, ngayon nakakata-cute ka na.
Kung dati seksing seksi ka, ngayon mukha ka ng aparador.
Kung dati di ka mabasag pinggan, ngayon lagi ka ng basag sa inuman.
At kung dati ubod ka ng tanga sa pag-ibig, siguro naman ngayon natututo ka na, medyo tanga ka nalang. Lol

Madaming nagsasabi sa kin, mga kaibigan, pati na din mga ka relasyon dati, nagbago na daw ako, lalo na pagdating sa relasyon. Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko at mga nakilala kong lalaki , di pa ba ako matututo at magbabago pagdating sa pakikipag-relasyon. Ang laki nga talaga ng pinagbago ko lalo na sa aspeto ng pakikipagrelasyon.

Kung dati, super inlab ako sa jowa ko kahit pa-umpisa  palang ang relasyon, ngayon medyo-medyo lang lalo na pag pasimula palang. Dati kasi super talaga ako kung magka-jowa. Lahat ng sabihin sa kin sunod ako agad. Para akong gaga, lalo na  kung nagagalit sakin. Pero ngayon hindi na. Naisip ko lang kasi, mahirap yung binubuhos mo lahat ng atensyon mo lalo’t pa’t under observation pa siya sayo. Kumbaga di ka pa sigurado o kaya wala pa siyang napapatunayan sa’yu. Marami kasi akong kakilalang puro salita lang pero wala naman sa kilos.

Kung dati, super clingy at super needy ko na gusto lagi ko katext at nakakasama, ngayon hindi na masyado. Sobrang hindi na ngayon. Panget din kasi yung laging mong katext at kausap. Minsan nakakairita na lalo pa kung paulit-ulit din naman yung pinag-uusapan diba. Okay naman ang patawag-tawag at patext-text pero kung 24/7 kayo nalang  ang nag-uusap o siya nalang ang kasama mo, di na healthy yung ganon. Mahirap yung pinapaikot mo yung mundo mo sa iisang tao lang. Pano nalang kapag wala na yung taong yun ehdi wala na, di mo na alam kung pano pa iikot mundo mo.

Kung dati, mega effort to da max ako, ngayon medyo nalang din. Though andun pa din yung pagpapakita ko na mahal ko talaga yung tao pero di na katulad nung sa mga nakaraan kong nging boylet. Dati kasi super dedicated ako at lahat  na ata ng pakulo at sorpresa sa mundo eh naiisip ko. Haha. Naalala ko tuloy. Pero wala naman ako pinagsisisihan sa mga ginawa ko nun kasi mahal ko naman yung mga yun.

Maraming mga nangyari sa kin sa nakaraan na siyang naging dahilan ng mga pagbabago kong ito. Mga maling taong pinagtiwalaan, mga masasakit na salitang nabitawan at mga pangakong di natupad, yan siguro mga dahilan ng pagbabago ko. Sabihin natuto lang ako. At na-realize ko lang na ang buhay ay hindi isang fairy tale na laging may happy-ending at lahat ng lalaking dumarating ay si Prince Charming. Na-realize ko lang na sa mundong ginagalawan natin, madaming taong mapagsamantala at mapagpanggap at iilan-ilan nalang ang totoo at talagang may pagpapahalaga pa sa isang bagay na tinatawag na, TIWALA.

Sa ngayon, masasabi kong okay na ko at handa na. Naisip ko kasi, kung lagi akong matatakot walang mangyayari sa kin. Paano kung yung taong nasa harap ko eh yun na 
pala yun tapos dinedma ko lang kasi nagpatalo ako sa takot ko, edi wala na. Saka tama naman ang tatay ko, paano tayu matututo kung di tayo nagkamali. Paano mo malalamang mababaw pala ang tubig kung di ka naman lumusong.

Tama nga naman. Kaya heto ako ngayon sumusubok na naman. Sabi ng mga kaibigan ko maling tao daw ang napili ko. Sabi ko naman hindi rin, masaya ako kasi anjan si Kupal. Di ko na iniisip kung hanggang kelan kami basta ang alam ko mahal ko siya at napaparamdam ko yun sa kanya, nasa kanya nalang yun kung  babalewalain niya diba. Maghiwalay man kami sa huli, at least masasabi ko sa sarili ko na minahal ko talaga siya. Saka tulad nga ng sabi ko sa kanya, di naman ako ang mawawalan eh. Ako, kaya ko pang magmahal ng totoo at higit pa dun eh siya kaya makakahanap pa ba siya ng pagmamahal tulad ng pagmamahal. Haha. Echoz! Ang lalim.Haha.

Hanggang dito nalang ang kadramahang ito…

Wednesday, January 20, 2010

Class Picture




Haha…takteng class picture to..nakita ko lang to sa pics sa peysbuk ng ka-klase ko nung elementary. Tignan mo nga naman, parang kelan lang Grade 2 ako nun, transferee. Sa syudad pa kami nakatira nun tapos biglang naisipan ng peyrents ko na lumipat na sa probinsya dahil sa pamanang lupa’t bahay ng lolo ko. Kaya ayun, napalipat din ako ng skul nang wala sa oras. Akala ko nun, magiging masaya yun kasi syempre magkakaroon ako ng bagong klasmeyts at bagong prens. Pero tang ina mali pala. Kung sa skul ko dati eh sikat ako at peyborit ng teacher ko, sa bago kung skul ako ang nakakuha ng “Palitaw Awards” (lulubug-lilitaw sa klase o palaabsent).

Tandang-tanda ko pa nun, galit na galit sa kin ang nanay ko dahil ayaw na ayaw kong pumasok sa skul at lagi akong nagsasakit-sakitan tuwing umaga. Kala nila tamad lang talaga ako nun o mhilig matulog at sakitin pero ang totoo hindi naman talaga. Ayoko lang pumasok dahil sa mga kaklase ko na parang pinagkakaisahan ako. Ikaw ba naman ang lumipat sa kalagitnaan ng taon at ang grades mo ay 90, 95 pinakamababa na ang 89, mas mataas pa sa grades ng pers honor nila. Kahit adviser ko ata napataas kilay. Eh kasalanan ko ba kung mataas magbigay ng grade ang teacher ko dati. Tapos dagdagan pa ng mga kaklase mung ubod ng maldita at mapang-asar. Ang tingin ko sa klasrum ko nung grade 2 ay isang impyerno.hahaha. Etchoz!

Naalala ko dati, may isang batang babaeng lumapit sa’kin habang pabalik ako sa klasrum,

Batang maldita: hoy babae, feeling mo sikat ka?! (ubod ng malditang bata)
Ako: ano kayang problema ng gagang to…(sa isip lang.haha)
Bata 666: feeling mo maganda ka,sori ka nalang wala kang panama sa’kin. (sabay layas)
Ako: ?!?(dedma lang)

Oo tama ka. Madalas ka talaga sindak-sindakin kapag bago ka. Yun nga ang naranasan ko nung bata pa lang ako. Bata pa lang ako nakaranas na na ko ng kalupitan mula sa mga malditang bata sa skul ko. Echoz! Hahaha. Paawa epek lang po. Di naman sila ganun kasama. Iyakin lang talaga ako noon at ayoko talaga sa skul ko nun kaya di ko din nagawang ilapit ang loob ko sa mga kaklase ko. Kita mo na, bata pa lang emotera na. Ahaha.

**********

Habang ginagawa ko tong posts na to, may lumapit sa’kin na isang costumer at nagtanong…

Manong: miss, may gardanya kayo?
Ako: po? (napakunot-noo, iniisip kung anung gardanya)
Manong: yung gardanya, yung tinapay
Ako: ahh, wala po manong. Try nyu po sa kabilang grocery

Takte. GARDENIA pala..hahaha


Monday, January 18, 2010

The Awful Truth


 


Kita mo ba ang larawan?! Pansinin at suriin.Yung lalaki, yung babae at yung puso. Dun muna tayo sa lalake. Yung lalaki, yung puso niya nakalagay sa may bandang baba, o sabihin na natin sa may puson yan. Basta sa baba.Dun sa babae naman, yung puso nasa dibdib.

"Boys give LOVE to have SEX while Girls give SEX to have LOVE. And that's the Truth"

Ewan ko kung san ko 'to nabasa, sa text ata. Ang saklap noh?! Di ko lalahatin ang mga lalaki, pero aminin na natin. Karamihan talaga ganyan. Mga ubod ng libog at manggagamit. Di naman sa ampalaya ako o ano.Wala naman akong galit sa male species. Nagsasabi lang ako ng na-oobserbahan ko at kung ano talaga ang nangyayari ngayon. Ilan lang ba ang relasyon na talaga namang malinis at wala pang nagaganap na jugjugan? At ilan nalang ba ang virgin sa mundo?sino? Ikaw? San? sa pores?haha.

Mapa-quickie man yan, o hap body o, 24/7 heben. Yun pa din yun. Sex pa din yun.Nakakaasar lang eh noh kasi papaikutin ka pa, papaniwalain ka pang mahal ka tapos pagkatapos kang tikman biglang manlalamig sa yo, biglang magiging busy at biglang di na ready sa commitment.Nakakaloka lang ang mga lalaki.

Meron nga akong kakilala, mag-jowa. Nag-break dahil di daw mapatunayan nung babae na mahal siya. Si babae naman todo iyak sa kin. Tinatanong ako kung ba't daw ganon. Ehdi tinanong ko kung ano bang gustong patunay nung lalaki. Ibigay niya daw ang sarili niya dun sa lalaki para daw mapatunayan  na  mahal siya na babae. At kaya nakipag hiwalay dahil ayaw isuko ng babae ang bataan. Oh diba.. Virginal. lolz
Tapos eto ngayon si babae todo iyak sa kin. Ang sakit daw...


Well talagang masakit yun, pero diba mas masakit kung nabigay mo na lahat tapos sa huli basta ka iiwan na parang tanga ka, akala mo mahal ka tapos di naman pala, habol habol ka pa di mo alam pinagtatawanan ka na at pinagchichismisan.

Hays..nakekerid away na naman ako..hahaha. Naisip ko lang kasi na, sobrang magkaiba talaga ang babae at lalake. Lalo na pagdating sa usapang lab layp at sekz layp. At talaga naman masakit na katotohanan na nagkalat ang mga lalaking nag-uumapaw ang sobrang kalibugan. Kaya ang mga babaeng mga tanga-tanga, ayun nabibiktima. Buti nalang di na ako tanga. Ahaha. Dati lang. lolz

Sabi nga nila, "kung walang magpapatikim, walang titikim."
                        “at kung walang magpapatira, walang titira”

Hahahaha. Natawa naman ako sa mga kasabihang yun…Pero totoo naman diba?


Kaya ako,di rin ako basta-basta naniniwala hanggang walang napapatunayan. Mahirap ang puro salita lang. Saka para sa kin, kung di ka naman talaga seryoso sa isang babae at di mo naman  talaga mahal, bakit kelangang papaniwalain mo pa ng ganun. Pwede mo namang sabihing, "miss maging tayo lang gagawin ko lahat ng teknik sa kama at sisiguraduhin kong masasarapan ka" ..hahahahaha.. malay mo naman bumigay si ate, o kaya pwede mo namang sabihing, "im not ready to be committed but im very much ready to be your "fubu"....hahaha. Ewan ko lang kung di ka masapal kung sa virginal na babae mo yan sinabi. hahahaha

Wala lang nakakainis lang kasi di'ba, titikman mo lang pala ung babae tapos papaniwalain mo pa na mahal mo siya. Dobleng sakit yun eh.

Kaya dapat lang na mas maging mautak ang mga kababaihan ngayon. Di dapat tayo basta basta nalang naniniwala at di dapat  masyadong sineseryoso at dinidibdib ang mga sinasabi ng kalalakihan kasi alam niyo naman yang mga yan ubod ng bolero at sinungaling. Well di naman siguro lahat, siguro sa sampung lalaki 2 lang  dun ang talagang masasabi matino at di mukhang sex.lolz  Kasi talaga namang andaming mapagpanggap ngayon, mahihirapan ka talagang i-distinguish ang totoo at hindi. Yung inaakala mong anghel eh may tinatago palang napakalaki at napakahabang sungay at tite buntot pala. ahahaha


Wednesday, January 13, 2010

Unexpected Call

Caller: Hello, may I speak to Ms. Lheniemotera
Ako: Yes, speaking. Who's this? (medyo kabado)
Caller: this is Trisha from call center chuva. We are inviting you in our office  for an interview tomorrow.
Ako: oh I'm sorry I'm not available tomorrow coz I still have work. (kakaba-kaba na at natatawa na sa kasamang nakakunot na ang noo at akala eh sinasapian ako dahil inglesera na ako)
Caller: ok. we'll just re-schedule you. When are you available?
Ako: tuesday ma'am.(super kaba na)
Caller: ok then, see you on tuesday.

toot...toot...

Alaws na ko nasabi. haha. Di ko ineexpect na tatawag  agad yun. Kakapasa ko lang andyan na agad ang tawag. hahaha. Ala lang. Share ko lang. Goodluck sakin sa tuesday baka mahimatay na ako dun..hahaha

Pers taym kong mag-aplay ng call center talaga. Sobrang nakakakaba kasi isa sa kahinaan ko ang pagsasalita ng ingles  ng seryoso at may takot ako sa mga interview na ganyan.haha. Pakingsyet.Bahala na talaga. Pakapalan na to..

Tuesday, January 12, 2010

Bahala na...

Madalas natin tong marinig sa paligid. Para sa 'kin, salita to ng isang nagpapaubaya o pwede rin namang pagpapabaya.

"di ko pa tapos ang project ko...bahala na nga bukas"

"alis na 'ko, bahala ka na dito ha"

"ikaw na bahalang pumili kung ano dapat"

"ayaw mo makinig..bahala ka na sa buhay mo!"

"bahala na kung may nagbabasa ng blog ko, basta magsusulat ako"

Oh diba tama naman interpretasyon ko sa salitang "BAHALA NA". Ang totoo madalas ko tong masabi lately. Taraguiz naman kasi, malapit na ko talagang mawalan ng trabaho at aligaga na ko sa pag-aaplay kung san san. Nagpasa na nga ako ng resume sa lahat ng building sa Olongapo. At pati na din ang inaayawan kong mga call center eh inaplayan ko na din. Bahala na talaga kung matuyuan ako ng dugo dun o kung magkanda buhul-buhol na ang dila ko kaka-ingles basta ang alam ko lang eh kelangan ko ng bagong trabaho ASAP! Sana lang talaga kayanin ko yun. Hindi naman kasi  ako talagang inglesera at diko din alam kung papasa ako dun pero sabi nga ng mga tao sa paligid ko. Kaya ko daw yun. Kaya ayun, mega pasa na talaga ako ng resume ko. Palakasan nalang ng loob at pakapalan ng mukha. Eh ano naman kung di ako makapasa. At least nag-try di ba.

Pati lab layp ko ata malapit nang gumuho.char! haha. Panu naman kasi eh. Selos ang ateng nyu. Kanino? Ang long time ex-gelpren ni Kupz  na rich at siguro prettyness na si Ligaya. Wala lang, masama  ba magselos ang legal gelpren?! haha. Kasi naman si Kupz, bigla nalang ngsasalita tungkol kay Ligaya eh. Bigla nalang naalala si Ligaya out of the blue. Kasama na nga ako naalala pa ang dati niyang ligaya. Pero hindi naman ako nagwala at nag-amok. Wala lang. Dedma lang kunyari. Irap konti at tipid magsalita. At si Kupz na walang kaalam-alam na nagseselos na ko. Siguro dahil wala na nga talaga sa kanya yun o masyado lang ako nag-iisip ng kung ano. Di naman nga masamang mag-open tungkol sa ex. Well, kahapon lang naman ako nagselos. Ngayon hindi na, ok  na ko. Naisip ko kasi, normal lang yung naramdaman ko pero di normal na makaapekto yun sa relasyon namin. Saka bat ako magseselos eh ako na nga ang gelpren. Ako lang ang mai-stress kapag inisip ko pa yun. Saka tiwala nalang siguro ang katapat nito. Bahala sya kung lolokohin nya ko pati sarili nya. Basta ako totoo ako sa nararamdaman ko. Di naman ako ang mawawalan eh. Ako kaya kong magmahal ng tapat at totoo at kaya kung tanggapin kong anu siya talaga, eh siya ba, makakahanap pa ba siya ng magmamahal talaga sa kanya tulad ng sa 'kin at tatanggapin talaga sya tulad ng pagtanggap ko sa kanya. Ewan ko nalang. haha. Drama!

Sa aking career at lab layp,
goodluck nalang at bahala na talaga!

Friday, January 8, 2010

Goodbye 2009


Hmmm..ilang araw din akong di nakapagsulat. Mejo busy ang ate nyo. Busy saan? Wag niyo nang alamin dahil wala din naming kwenta. Kumusta naman palang ang bagong taon nyo? Well ako masaya naman kahit paano. Kahit di ko nakasama si kupz keri pa din. Anjan naman ang buong pamilya Buenavista. Maganda at masaya naman ang naging bagong taon naming sa compound ng pamilya Buenavista. Nag-inuman kaming magpipinsan habang ang mga erpat namin ay nag-iinom din. Tapos pagkatapos nun nagsiuwian na sila at ako nalang ang naiwang gising kahit mag-uumaga na. Tinapos ko ang pirated dvd ng Boys Over Flowers na binili ng kapatid ko. 8am na ng matapos ko ang lab istori nila Jan Di at Jun Pyu  na ex ko.haha. Feeler ang ate nyu. Habang nanonood ay katext ko din aking Aprikanong bf/textmate/call mate/tropa na si kupz. Yun lang naman ang mga pinaggagawa ko nung bagong taon. Oh di ba walang kwenta. Etchoz! Wala pa nga akong new year’s resolution eh. Di tulad nung hayskul pa ko taun-taon meron dahil pinipilit kaming pagsulatin ng kaek-ekan sa formal theme namin. Lalo na at new year yan ang  laging topic ng mga titser pag pasukan na ulet. Kaya ayun, todo isip naman kami. Yung iba nagagawa ko naman kaso mas marami ang hindi. Last year ang new year’s resolution ko eh di na ko magiging madrama, pero tingnan mo naman ang ateng nyo lagi pa ding may drama at emote sa buhay.

Ang mission ko for this year ay makahanap ng bagong work at makapag-ipon. Ang hirap kasi talaga  namang andaming tukso. Kaya last last last year ko pa to mission pero wala pa din. Mas nadagdagan pa ang utang ko kesa sa savings ko.

Ang totoo di ko alam kung bakit gumagawa pa ko ng gantong blog entry eh matatapos na naman ang January at tapos na ang new year. Eh bakit ba, gusto ko eh. 1 month ang celebration ng bagong taon sa kin. Char!

Wala lang. Gusto ko lang balik-tanawin ang nakaraang taon. Maraming masayang nangyari sakin at mas marami din yata ang nangyaring di maganda sa kin nun. Isa-isahin natin…

January 2009
*Masaya pa ko neto. Medyo masaya pa ang lab layp ng ate nyo nung panahong to. Okay ang career. Basta okay pa lahat. Alaws pang mga problema.

February 2009
*Ang naalala ko ito yung time na nagrerent na ko ng apartment dito sa syudad ng Olongapo kasama ang tita ko, para daw di na ko ma-late sa pagpasok sa trabaho dahil isang cartwheel nalang nasa store na ko.(pero nali-late pa din ako.haha.) Masaya naman ako kasama ang tita ko. Naging super close kami. Parang tropa ko na nga siya eh. Halos mas madalas ko na siyang kasama kesa sa mga tropa ko.
* At ito din yung panahong gumuhu ang lab layp ng ateng niyo. Well, nakipaghiwalay ako sa aking long-time boylet. Kung bakit? Sobrang habang istorya, pero ito lang ang masasabi ko. “Kahit na gaano mo kamahal ang isang tao kapag nawalan ka na ng tiwala, balewala na din ang pagmamahal na yun. Mahirap magsimula ulet kapag alam mong wasak na wasak na ang relasyong pilit mong inalagaan na kahit i-mighty bond mo pa eh di na talaga uubra.”

March 2009
*Ito yung unang buwan nang pagiging single ko. Super nagpaka-workaholic na ko at nagpaka-adik na ko sa peysbuk at chat ng mga panahong ito para lang di ako malungkot at di ko maisip ang pagkawasak ng lab layp ko. Lahat na ng inuman at mga lakad ng tropa sinamahan ko na para lang makalimot sa kinasadlakan ng sawi kong pag-ibig. Haha!Etchoz! Masaya naman maging single. Super na-eenjoy ko naman ang single life ko ng panahong ito.


April 2009
*Wala namang masyadong nangyari nung buwan na to. Summer na. Bakasyon ng mga kapatid at mga tropang nag-aaral, therefore mas maraming gala at outing ang nasamahan ko. Etchoz! Sila lang kasi lagi akong may pasok sa trabaho. At super deadly sin ang pagbabakasyon at pag-absent sa trabaho ko. Yan ang rule ni bossing. Kaya nagpabakabusy nalang ako sa pagtatanim sa farmtown, pag-aalaga sa pet kong si winky sa pet society, at pagpapataas ng score sa pixel ranger at scramble. Isama mo na din ang  pagpapakyut sa webcam ng mga internet shop ebri weekends para ma-sight naman ako ng mga friends at karir sa chatroom na kinabibilangan ko.lol

May 2009
*Ito ang isa sa mga pinakamasayang buwan sa taong 2009 para sa ‘kin. Dahil sa wakes, after pipti years of waiting and praying eh nakagawa ako ng paraan para makapaglakwatsa kahit 2 days lang. Dito ko pers taym na nakasama sa tita ko papuntang Cavite para magpachek up at para na din makapag-lamyerda na din. Hehe. At dun marami akong nakilala. Isa na dito ang isang lalaking itatago na alang natin sa pangalang
Ministop. Bakit Ministop?!? Hehe. Dahil sa sundae ng Ministop eh naging close kami nitong guy na to. Okay na okay na sana sya eh. Super nagkakasundo kami tapos masaya syang kasama at talaga naming super daldalan kami nito kapag magkasama kami. Kaya naman mabilis na na-fall ang ateng nyu ke kuya Ministop. Akala ko sya na, ang magiging next boylet ko. Sa kasamaang palad, married na itong si kuya Ministop. At ang theme song ng kwento namin eh “Kung Malaya Lang Ako” ni pareng Jay-r ata yun. Haha!
Well kahit di kami nagkatuluyan ayus lang, ganun talaga ang life. Okay na maging single kesa maging querida y serbidora. Saka minsan mas okay nang mging kaibigan mo nalang ang isang tao dahil yun lang talaga ang inilaan ng tadhana para sa inyo.

June 2009
*Wala naman masyadong nangyari sa kin ng buwan na yun. Pero nagsisimula na kong mabagot at maburyung sa aking single life at medyo namimiss ko na ang may kalambing at kalandian.

July 2009
* Heto na. Dumating na ang kinatatakutan ko, ang dalawin ako ng kalungkutan at pagkalumbay. At nagkatotoo na din ang sinabi ng ilang mga kaibigan ko na, sa una lang daw masaya maging single pero pag tumagal na at halos lahat na ng friends mo eh “in a relationship” na ang status sa peysbuk eh magsisimula ka ng malungkot at mainggit. Pero kahit ganun dedma pa din ako. Hinahayaan ko lang ang lungkot at ginagawa ko nalang busy ang sarili ko. Kaya ko pa naman i-handle ang lungkot na nararamdama ko saka kasi natatakot pa ko mkipagrelasyon ulet baka kasi masaktan lang ako o kaya baka mas masaktan ko pa sila. Haha! Inarte eh noh.

August 2009
*Nagsisimula na kong mangarir at makipagtextmate ng mga panahong ito. Haha! Dahil madami na ding nagrereto at nangungulit na wakasan ko na daw ang single life ko at para daw di ako mging mukang ampalaya lalo na pag may lakad ang tropa. Well dahil mabait ako, pinagbigyan ko na sila, sinubukan ko ng makipag-date at makipag-EB sa mga hinayupak na mga lalaking nirereto nila. At ibang klase naman talaga ang mga karanasan kong yun. Nakakaloka at nakakahayblad lang. Kumbaga nakakapang-init ng ulo lang. Kapag naalala ko tuloy natatawa lang ako. Kasi ba naman puru palpak

September 2009
* Bahay-trabaho-inuman-bahay-trabaho-bahay-trabaho-inuman-bahay. Ayan lang  ang routine ko nung buwan nay an. Alang kwenta dba?

October 2009
*Ang main event ng buwan na eto ay ang bertday ng ateng nyu. Hehe! Masaya naman ang bertdey ko nun. Lutu si mama ng masasarap na putahe na pinagsaluhan naming tapos nung pagabi na lumabas kami ng ilang kaibigan ko, tapos nakuha ko pang makipag-EB sa isang reto na naman ng isang tropa ko. Haha! Ok naman sya. Sobrang daldal at wag virgin pala si kuya . Ahahahaha. Panu ko nalaman? Bwahahaha. Ehdi tinanong ko. Anu na namang nasa isip mo. Haha!

November 2009
* Pyestang patay. Anu pa nga ba! Haha! At ibig sabihin bakasyon ko at walang pasok. Ang buong angkan ko nagpunta sa sementeryo habang ako’y nakababad  sa aking malambot na kama. As in super hilata ang ateng nyo sa kama. Minsan lang kasi naging medyo mahaba ang bakasyon ko kaya naman talagang sinulit ko na. Haha!

December 2009
*Syempre ito ang buwan ng pagdiriwang ng buong mundo sa kapanganakan ni Bro kaya masaya ang buwang ito. Ito rin ang buwan ng mga bonus at 13th month pay. Ito ang  buwan na umaapaw ang mga bulsa ng mga tao. At super dami talaga ang nagsha-shopping. Pero masaya ang buwan na ito para sa kin dahil finally, ang status ko sa peysbuk ay nagtransform na. haha! Ang “single” naging “in a relationship” na. Oh diba bongga. Di na malamig ang pasko ng ateng nyo. Nagka boylet na din sa wakas. Long distance nga lang ang drama naming. Ayun. Pero ayus lang un. Mukha namang magiging okay kami. Well, sana nga. Kahit na madalas kaming mag-away at magbangayan nun eh mahal ko na siya. Haha! Etchoz!


At ngayong 2010 na, sana naman maging maayus ang taon na ito para sakin at sa pamilya ko isama mo na din ang mga taong  parte ng mundo ko. Sana..sana...sana..